Lunes, Abril 20, 2015

Mich , May Bagong Boyfriend na Noong Nabubuhay Pa Si Jam Sebastian

    
Exclusive sa Aquino and Abunda Tonight, nagsalita si Maricar Sebastian, nanay ng pumanaw na YouTube star na si Jam Sebastian tungkol sa maraming issue na ibinabato kay Maricar at sa dating girlfriend ni Jam na si Mich Liggayu.

Una, sinabi ni Maricar na totoo ang balita na may iba nang boyfriend si Mich bago pa man pumanaw si Jam. “Matagal na akong nakakahalata pero wala naman akong ebidensiya pero ngayon marami nang witnesses pati yung kaibigan ko, lagi silang nakikitang magkasama,” ani Maricar. Ang nali-link kay Mich ay ang ang up-and-coming singer na si Neo Domingo.

Pangalawa, ipinaliwanag ni Maricar kung bakit nagkakaroon ng issue tungkol sa pera sa pagitan nila ni Mich. Diumano, sa wake ni Jam ay hiniram ni Mich ang cellphone ni Jam at ni-logoutnito ang social media accounts ni Jam pati na ang Google page kung saan pumapasok ang kita ni Jam at Mich sa kanilang YouTube channel na Jamich. Para kay Mommy Maricar, nanay siya ni Jam at may karapatan siya sa naiwan at pinaghirapan nito. Isa pa, hindi naman daw asawa ni Jam si Mich.

Sila rin daw ang gumastos para sa pagpapagamot kay Jam at noong nabubuhay si Jam ay hindi naman siya nangialam sa kinita nito sa pagsikat niya. “Karapatan ko yun. Ako ang nanay.”

Nang kausapin diumano ni Maricar ang magulang ni Mich, “ang sabi nila binigay na daw lahat ni Jam kay Mich pero wala namang sinabi ang anak ko noong nabubuhay pa siya.” Dagdag pa ni Mommy Maricar, “ang sa akin lang bakit ni-logout niya lahat ng accounts ng anak ko?”

Pangatlo, dineny ni Maricar na siya lang ang may gusto na padalawin kay Jam ang mga sikat napersonalities noong nasa hospital pa ito. Ani Maricar, bilang nanay ay gusto niyang sumaya ang anak niya at masaya rin si Jam na may mga dumadalaw sa kanya.

Pang-apat, aminado si Mommy Maricar na nag-post siya na “EXCITED” siya para sa isang magazine interview ilang araw matapos mamatay si Jam dahil daw “may pinaparinggan na ako noon.”

Inunahan na rin ni Mommy Maricar ang bashers at sinabi niya na totoo ang mga sinasabi nila tungkol sa kanya. Totoo raw na “naninigarilyo ako, nagma-mahjong ako, nagka-casino ako.” Pero ang hinanakit daw ni Mommy Maricar ay bakit siya bina-bash gayong hindi naman siya artista. Nagsimula lang din daw ang pang-babash matapos ma-link si Mich sa ibang lalaki.

Pagtatapos ni Maricar, “Tigilan na sana nila ang anak ko kasi sobrang nagagamit na.”

WATCH: Maricar Sebastian, may mensahe para kay Mich at sa mga basher HERE

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Adsense no. 1